Lalong hinangaan ng mga netizens ang ginawa ni KC Concepcion na effort para sa mga nasalanta ng bagyong Ulysses sa Cagayan.

Sa kanyang instagram, ibinahagi ng singer ang video kung saan makikita ang aerial view ng Cagayan at ang larawan ng mga kabataan na personal niyang kinunan na makikita parin ang mga ngiti sa kabila nang kanilang dinanas.

Ayon kay KC kasabay ng pagpost niya sa mga larawan ng mga batang malalaki parin ang ngiti: 

"Di ko mawari
Kung san nanggagaling
Ang mga ngiti
Ang tamis ng pagbati
Humiyaw pa sa tuwa
Kumakaway pa ng walang sawa
Sa kabila ng naging sakuna
Nagawa pang kumanta

Nagawa pang magpakasaya...O bansa ko... Mga Pilipino talaga...☺️"


Narito naman ang video.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post