Inulan ng pambabatikos mula sa mga netizens ang isang anak matapos nitong buhusan ng kaning baboy ang kanyang sariling ina.

Sa isang facebook page na Daniela, ibinahagi nito ang larawan ng isang 85 anyos na lola na nabasa matapos buhusan ng nasabing pagkain.

Dahil dito maraming netizens ang naawa at galit na galit sa nasabing anak.

"HINDI MO ALAM PAKIRAMDAM NANG HINDI KASAMA MAGULANG, WALANG KWENTANG ANAK KA KUNG SINO KA MAN."

"Minsan ang mga magulang natin pag tumatanda na tumitigas talaga ang ulo nila, pero sana kahit gaano pa sila kakulit o katigas ang ulo matuto pa din tayong magpasensiya at rumespeto, tandaan natin na utang na loob natin sakanila ang buhay natin, walang kahit na anong bagay o halaga ng pera ang katumbas ng sakripisyo nila satin. Maswerte pa kayo na may Magulang kayo tapos binababoy niyo lang, tandaan niyo, kung ano ang ginagawa ninyo sa Magulang niyo ay siya ring gagawin sa inyo ng mga Anak niyo."

"Hayop ka Ako salbahe akong anak pasaway at matigas ulo ko pero never Kong ginawa sa Magulang ko Yan kahit noong may sakit na cia.Kung Sino ka man Sana huwag. Bumalik SAYO yan ginawa mo sa Nanay mo. Dapat sayo mabigyan ng leksyon."


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post