Sa latest vlog ni Vicki Belo ay nagkakwentohan sila ni Karla Estrada at napag-usapan nila dito ang tungkol sa yaman ni Daniel Padilla.

Ayon kay Karla, sapat na raw ang savings ng kanyang anak at kahit tumigil na raw ito sa pag-aartista sa edad na 35 ay wala ng magiging problema.

“Meron na siyang savings niya na he’s good at 35 kahit di na siya magtrabaho hanggang apo niya. Nagtabi na tayo,” 

Sa tanong naman kung may commission si Karla sa kinikita ni Daniel.

“Wala naman. Ako lang naghahandle nang lahat ng pera niya."

“Eh, kasi kung ano man gastos namin, para din ‘yun sa lahat. So, importante may natabi sa kanya,” 

Dagdag pa ng host:

 “Hindi naman siya palahingi. Hindi ‘yun humihingi ng pera  ng cash. Pero mag-alala ka nag ‘Ma’ na ‘yan. Iba-ibang tono ‘yan eh. ‘Pag ‘Hi, Ma!’ naky, patay tayo diyan.

“‘Oh Ma, may darating na sasakyan ha!’ Hindi siya humihingi lagi ng pera pero kapag humingi siya, kumapit ka na sa pader,” 

Panoorin ang buong video dito:

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post