Sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Ulysses, ay pinili paring umuwi sa Manila ang couple na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo galing Batanggas ayon kay Karla Estrada.

"Ang KathNiel kasi ay nasa Batangas pa para sa last episode ng The House Arrest of Us. So mga 12 midnight natapos sila. Pero 11 pa lang ang lakas na ng hangin. So sinabi ko mag-stay na lang sila roon. Kaya lang hindi pupuwede kasi lahat uuwi," Sabi ni Karla sa November 13 episode ng Magandang Buhay.

Labis raw na nag-alala si Karla dahil alam niyang lumalakas na ang bagyo at nasa daan pa ang Kathniel.

"So itong KathNiel on their way home, ala-una, alas-dos, kasagsagan ng lakas ng bagyo eh talagang daig ko pa ang MMDA na monitoring talaga. Ang hirap kasi kahit sabihin natin na bakit 'di mo pinag-stay and all 'eh kasi may bagyo rin doon.' So parang hindi ko na alam. Kinailangan nilang bumalik," ayon kay Karla

At sa awa ng Diyos ay nakarating din ang Kathniel ng 3:00 sa gitna ng bagyo.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post