Sa kanyang official facebook account, ay inilahad ng dating 1st runner up winner sa Pinoy Dream Academy na si Jay-r Siaboc na hindi pa raw niya nakuha ang kanyang premyo.

Una niyang ibinahagi ang kanyang pagkanta ng Hiling sa Wish na umabot na sa 2.5 million views.

Ayon kay Siaboc: "Mas maganda Sana Kung may kasama cheque hehe,para nman ma experience q din kumita sa kanta q🙏🤘 Salamat sa patuloy na supporta!!!🤘"

Sa pangalawa niyang post, dito na niya inilahad na hindi pa raw niya nakuha ang condo at franchise ng Belgian Waffle.

"Nung Nag 1st runner up aq sa PDA(Pinoy Dream Academy)kasama Sana sa premyo q ay Condominium at franchise ng Belgian Waffle, pro sad to say both di q natanggap Ang mga to,di q alam kung makukuha q pa ba to,pro sana🙏 at ngayon nman sa mga kanta q WLA na nman aq natanggap🥺😤

Sa panahon ngayon na WLA tayo trabaho di maiwasan maalala ang mga bagay na sa tingin moy dapat sana ay sa iyo,. Well Panginuon nlang cguro Ang bahala at nkakaalam..,🤘

God Bless & Be safe sa lahat🙏!!!"

Samantala sa kanyang pangatlong post, ay sinabi niya na wala raw siyang intensyon na makasakit nang tao.

"Gusto q lng po klarohin yung post q kanina, WLA po akong intension na mkasakit or mka offend ng kahit sino,.☺️ simple lng po gusto q Nagbabakasakali lng po aq.,🙏Dun sa mga nag salita/react ng hindi maganda dun sa post q pakiusap lng po mag research muna kayo bago po kayo manghusga, wag tau magsalita kung WLA tau masyado alam✌️

Salamat Po☺️🤘"


Images courtesy of Facebook: Jay R Siaboc




  

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post