Nagsalita narin sa wakas ang actor na si Enchong Dee ukol sa mga kapamilya artist na may kani-kanilang project na sa kabilang network.

Sa isang digital press conference ng isang insurance company na Sun Life Financial sinabi ng actor na naintindihan niya ang ginawa ng mga kapwa niya artista sa ABSCBN.

“Because by the end of the day, a lot of my contemporaries, a lot of artistas are breadwinners.”

“Hindi mo naman puwedeng alisin sa kanila yung pagkakataon na magtrabaho sa isang lugar.”

Dagdag pa ng actor:

Kasi sa akin, isa sa mga bagay na na-realize ko, and naintindihan ko rin, hindi ko kasi puwedeng gawing measurement yung loyalty just because of what’s happening now.”

Ayon pa sa actor, maswerte parin daw siya dahil kahit papano may kunti siyang naipon na kailangan na kailangan lalo na sa mga panahong ito.

“Siguro sa akin na lang, I’m very fortunate and very blessed that I was able to invest my money as early as pagpasok ko pa lang sa showbiz fifteen years ago.”

“So, as early as 17, 18 years old, ipinasok ko na sa utak ko na kailangan ko yung freedom na ‘yon.”

“Now, with all these things happening, hindi ako masyado worried about saan ko kukunin yung pambayad ng kuryente, ng tubig, ng renta, yung mga ganong bagay, because I invested my money properly.”

“Ngayon, hindi masyadong mahirap sa akin yung desisyon na, ‘Okay, lilipat ba ako o hindi?’ Because again, show business is only a certain part of who I am."



Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post