Nagsampa ng reklamo si Claudine Barretto laban sa kanyang dating partner na si Raymart Santiago dahil sa paglabag Violence Against Women and their Children Act o Republic Act 9262 at alegasyong economic abuse.

Ayon sa report ng Pep.ph, posible umanong magkikita ang dalawa sa Prosecutors Office ng Marikina City sa December 10.

Ayon sa legal counsel ni Claudine na si Atty. Ferdinand Topacio, hindi umano tinutupad ni Raymart ang dating napagkasunduang "PHP100,000" kada buwan na sustento para sa dalawang anak.

"Hindi nagbibigay ng sustento si Raymart. Ang tagal na!

"Nagbibigay siguro, 14 thousand a month, ganun. 'Tapos, wala na," sabi ni Atty. Topacio sa amin.

"Before in court, meron na silang pinirmahan na 100 thousand a month—na pwede-pwede na rin, although insufficient pa rin.

"But even that, hindi natutupad, kaya we have to file a case against him."

Source: Pep.ph

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post