Humiling ng panalangin si Claudine Barretto mula sa kanyang mga fans dahil sa kanyang pinagdaanang operasyon ngayon November 22  sa kanyang kanang kamay.

Sa St.Luke’s Medical Center, Bonifacio Global City sa Taguig siya nagpaopera sa kanyang kamay.

Nakakaramdam rin daw ng takot si Claudine peru kakayanin niya ito.

“Sorry I really look terrible. Ang sama ng itsura ko, mukhang may sakit talaga ako. I’m asking everybody to please pray for me and not to worry, my palanggas and Claudinians, strong naman ako, kaya ko naman.

“I’m really scared pero my Ate Gretchen ever since this morning, she’s making me laugh and laugh and laugh so at least naging maganda ang araw ko.”

Sa ngayon ay hindi pa nagbigay ng completong detalye si Claudine ukol sa nangyari sa kanyang kanang kamay.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post