Maraming netizens ang nagalit dahil sa pagkwestyun ng GMA News Anchor na si Arnold Clavio sa residenteng hindi lumipat ng kanilang tinitirhang bahay kahit raw binabaha na noong Ondoy at naulit na naman ngayong bagyong Ulysses.

Ayon kay Arnold: "Bakit diyan pa rin kayo na alam niyo na lubog noong Ondoy?” 

Dagdag naman ng kanyang co-host: “Kunwari kapag naghahanap kayo ng lilipatan, hindi mo ba natanong, ‘Kamusta noong Ondoy?

Ayon sa ilang galit na netizens:

"Lumapit sa inyo for help, gaganyanin ninyo! Ang lala niyo!”

"Haven’t they realizedbby perhaps those people don’t have an option because even if they want to move out from there, nobody is interested to buy their properties if they opt to sell them? Insensitive and stupid"

 “Sana lahat kayang lumipat sa maayos na lugar. Sana lahat may pera. Sana lahat may resources. NAKAKAINIT NG DUGO”

 “Hindi kasalanan ng tao na mahirap/naghihirap sila, ‘wag isisi sa mamamayan ang kakulangan sa pagtugon ng gobyerno sa mga isyung pambansa.”

 “Hindi lahat may magandang lilipatan, hindi lahat may sariling lupang papatayuan ng bahay. Sa tingin n’yo kung may choice sila, d’yan pa rin sila titira? Kung sana lahat may relocation area edi sana lahat safe. Sana all priviliged.”

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post