Sa isang facebook post, ibinahagi ng isang netizen na nagngangalang Ron Nald sa kanyang facebook ang paghingi niya ng tulong para sa operasyon ng kanyang kapatid.

Ayon sa kanya, ibebenta raw niya ang kanyang mga ginawang artwork ng kahit magkanong halaga para lamang matulongan ang kanyang kapatid.

Gusto ko lang po sana humingi ng kaunting tulong para sa operasyon ng kapatid ko gusto ko pong ibenta mga artworks ko o pag bigay ng kahit piso lang wala na po talaga kase kaming ibang malapitan ang mama ko walang trabaho may sakit din ang papa ko patay na kuya ko na lang bumubuhay samin wala rin sya ngayong trabaho lahat ng pwedeng mahingian ng tulong nalapitan na namin pasensya na po kayo sa abala kahit pag share na lang po neto o piso pisong tulong maraming maraming salamat po sa inyo sa mga gustong tumulong kahit dasal na lang po malaking malaking tulong na yun😭❤

Hindi alam ni Ronald na nakarating na pala ito kay Anne Curtis at kinontak umano siya ng assistant ni Anne sa Dream Machine, ang foundation ng TV host-actress na nagbibigay-katuparan sa mga pangarap ng mga karapat-dapat na tulungan.

“Nag-chat po siya sa messenger, nagtanong siya tungkol sa charcoal portrait ni Miss Anne kaso nabenta ko na po ng P1,000 kasi kailangang-kailangan na namin ng pera.

“Tinanong na lang niya ako kung magkano pa ang kailangan sa operasyon ng kuya ko 'tapos sila na po ang nagbayad ng lahat ng balanse,” Sabi Ronald.

Kaya bilang pasasalamat sa actress ay ginawan niya ulit ito ng charcoal portrait, kasama si Erwan, na gusto niya na ibigay nang personal sa aktres kapag bumalik ito sa Pilipinas mula sa Australia.

Nakita naman ito ni Anne at naapreciate niya ang ginawang artwork.
PHOTO/S: SCREENSHOT FROM TWITTER


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post