Dalawang buwan pa lamang mula nang umere ang pagsasanib pwersa ng Zoe TV at ng ABSCBN ay umaarangkada agad ito.

Kahit na limitado lang ang reach ng A2Z Channel 11 kung ikukumpara sa GMA Network at TV5 ay nakuha na agad nito ang rank no. 2 na most watch tv channel sa Pilipinas.

Sa ngayon ay limitado pa lamang ang naabot ng A2Z Channel 11 mula sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Batangas, Laguna at Pampanga at tinatayang nasa 13M household ang naabot nito.

Sa latest TV Ratings ng AGB Nielsen, makikitang pasok ang 6 na programa ng A2Z sa Daily Top 20 Nationwide TV Ratings nito.

Nangungunang Programa ng A2Z ang FPJ’s Ang Probinsyano na naglalaro sa 4-5% People Ratings at sinusundan ng Primetime Zinema, Ang Sa Iyo ay Akin, It’s Showtime, Walang Hanggang Paalam at Bagong Umaga.

Kung iyong pansinin ay mataas na ang nakuhang rating ng ABSCBN dahil sa Mega Manila lang ang naabot nito kumpara sa GMA na sakop ang buong Pilipinas.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post