Galit na galit ang isang netizen na si Jessa na nagpost sa kanyang social media account tungkol sa nangyari sa batang si Lawrence na 3 anyos pa lamang.

Kwento ni Jessa, tinanggihan umano sila ng maraming hospital na kanilang pinuntahan kahit namimilipit na sa sakit ang kanyang pamangkin at ayaw parin daw pansinin.

Narito ang kanyang buong post:

"Shout out sa mga hospital na tumangi at ayaw operahan yung pamangkin namin!!! 🀬🀬🀬 Gusto pang mabuhay nung bata lumalaban pa siya kung saan saan pang hospital nakarating yung bata para lang matingnan ng doctor !! Pero di niyo pinapansin ! Hinayaan niyo lang na namimilipit sa sakit ng tiyan kahit suka na ng suka wala parin kayong ginawa hangang sa sumisigaw na yung bata na halos di niya talaga kinakaya yung sakit saka niyo tiningnan tapos tinubuhan niyo agad kasi malala na!? Kasi nag hihingalo na !? Napaka walang puso niyo!!! Tapos ang ibibigay niyong reason di na kinaya kasi nalason na !!! 🀬 Ganun lang kadali para sa inyo sabihin yun ? 3yrs old palang yung bata napaka bibo halos lahat ng tao sa iskinita nila tuwang tuwa sa bata na hinayaan niyong mamatay !!! Mga wala kayong puso ! Yung batang puno ng pangarap maraming gustong marating sa buhay pano na ! Nakaratay na ! Halos hindi lubayan ng lolo yung kabaong kulang nalang alugin para lang magising !

Shout out sa hospital na ooperahan siya pero kailangan ng napaka laking down payment!!! Ipinagbawal na ang pag hingi ng down payment diba !!! Sa panahon pa talaga ng pandemic ???? May pang down naman hindi lang sakto sa hinihingi niyo di niyo tinanggap ! Patulugin sana kayo ng konsensya niyo πŸ˜”πŸ˜”πŸ˜” sana wag mangyari sa inyo yung mga ginagawa niyo sa mga kapwa niyo πŸ™πŸ™πŸ™

Nanawagan po ang buong pamilya Reyes ng Hustisya para sa mahal nila sa buhay na pinabayaang mawalan ng buhay πŸ₯ΊπŸ˜”πŸ˜”πŸ˜”

Isang musmos na nagnanais na madugtungan pa yung buhay na hinayaan ng hospital na mawalan ng hininga 😣😣😣

#JusticeForBabyLawrence

Fly high bibi namin love love ka namin lahat πŸ₯ΊπŸ₯ΊπŸ₯Ί

Please share sana makarating kay sir Raffy Tulfo para mabigyan ng hustisya yung nangyari sa bata πŸ™πŸ™πŸ™"

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post