Isa nang ganap na doktor ang dating OFW at online seller na si Edna Chico mula sa Albay.

Ayon sa report ng News5 pitong taon umanong nagtrabaho bilang medical technologist sa Saudi Arabia si Edna bago nagdesisyong bumalik sa Pilipinas para alagaan ang pamilya.

Habang nag-aaral sa medical school, pinasok niya ang pagtitinda online para magkaroon ng dagdag-kita na ginamit niyang panggastos sa pag-aaral at pagtaguyod sa sariling pamilya.

Kaya naman, laking tuwa ni Edna nang makapasa siya sa Physician Licensure Examination ngayong taon.

“Ang nag-motivate po sa akin para pumasa ay ang pandemya po kasi need ko na pong tumulong sa pamilya ko dahil mahirap po ang buhay at isa pa po kulang na kulang ang doctor sa mga hospital,” sabi ni Edna.


Anong masasabi niyo sa balitang ito?

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post