Nagsalita narin sa wakas si Vic Sotto ukol sa mga panlalait sa kanyang anak na si Tali.

Ayon kay Bossing sa isang interview:&nbs
p;
"Ang importante naman, higit na nakararami 'yung napapasaya ni Tali. Napapa-smile niya sa araw-araw sa tuwing magpo-post ang kanyang nanay.

“Tapos 'yung mga ilan na hindi natutuwa, hindi ko na lang pinapansin 'yon. Pinagpapasa-Diyos ko na lang 'yon.

“I try to understand these people dahil malay natin baka may pinagdadaanan o may problema lang sa buhay, mainit ang ulo niya at the time. Iniintindi ko na lang 'yon.

“Mas importante, mas nakararami 'yung good comments,” 

“One of the risks, disadvantage lalo na sa social media ngayon, mayroon din talaga tayong mga kababayan ngayon na iresponsable sa paggamit ng social media.

“Hindi naman natin mako-correct ang mga ugali nila. Bahala na sila. Kanya-kanya namang opinyon 'yan. Nasa demokrasya tayo pero let's be responsible sa ating mga post, sa ating mga comment,” 

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post