Galit na galit ang sikat na vlogger na si Christian Grey Merk o mas kilala bilang Makagwapo na ibinunyag na may iba raw si Caffey Namindang o mas kilala bilang Makaganda.

Matatandaan na ipinatulfo si Merk dahil daw sa pambabastos niya kay Caffey para magkaroon ng maraming views sa kanilang vlog.


Ayon kay Merk:

"Ngayong gabing 'to meron akong napakalupet na nalaman, ngayong gabing 'to. Sorry ngayon ko lang kasi nalaman. As in, ngayong oras na 'to, ah siguro mga one hour ago na. Nagulat kasi ako sa ebidensiya.

Wala 'tong dagdag bawas, hindi 'to i-scripted. Yung Basha mo Pinopopoy ng iba. Tropa mo pa. So hindi lahat ng ahas nasa gubat.Yung iba kasama mo sa vlog,Pero parang may mali. Meron isang masyadong malinis.

Gusto ko lang sabihin sa inyo na nagulat talaga ako sa nalaman ko pero naging masaya rin ako kasi nalaman ko na rin lahat ng totoo.

Umiyak ako ng umiyak kanina pero hindi ako nagpapaawa sa inyo gusto ko lang sabihin sa inyo na kasi sa nalaman ko.

Nangatal ako, hindi ko naramdaman yun kamay at paa ko. Para akong hihimatayin. Yun yung naramdaman ko. Nagkaharap na kami kanina. Nagka-barangayan nga kami tapos nagkahatian pa kami."


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post