Sa wakas ay nagsalita narin si Buboy Villar tungkol sa paghihiwalay nila ng kanyang amerikanang partner na si Angillyn Gorens.

Napanayam ng GMA News si Buboy ay idinetalye nito ang tunay na nangyari.


Pahayag ni Buboy: “Actually po, two years na po kasi kaming wala rin talaga 'no so nag-decide lang po talaga kaming dalawa 'no. Although marami nga nagtatanong at nag-e-expect pa rin po 'yung ibang tao na kami. Siguro dapat talagang malaman din ng iba kasi nga ayaw ko rin naman na parang ma-stress nga si Angillyn kasi nga ang daming nagtatanong, although hindi naman din siya masyadong ma-social [media] kasi nga ganun nga 'yung parang buhay niya doon. Parang lagi siyang nagtatrabaho. So nag-decide kami na sabihin sa public.”

Dagdag pa ni Buboy: “At mahalaga naman doon, maayos kaming dalawa at napapag-usapan namin 'yung mga anak namin na pinakaimportante sa amin sa lahat ng bagay. Ngayon magkaibigan naman po kami at parehas po kaming focused sa journey po naming dalawa which is siya nagtatrabaho po ngayon sa Amerika at ako po naman ay focused po ako sa aking career at sa aking pagiging tatay sa aking mga anak.”

Source: GMA News



Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post