Trending na ngayon ang matinding rebelasyon ng isang talent manager at songwriter na si Winston Jay Ladera ang nangyari sa pagitan nina Michelle at Tekla sa isang hotel sa Tacloban.

Hindi na raw nagulat si Winston matapos kumalat amg isyu tungkol kay Michelle at Tekla dahil may nasaksihan umano siya sa noong may show silansa Tacloban 3 years ago.

Pahayag ni Winston:

"Hindi naman po ako masyadong na-shock kasi 3 years ago mas worse pa ata yung nangyari dito sa Tacloban." 

"Nagpunta po dito si Super Tekla last September 23, 2017 kasama po ang kanyang girlfriend na si Michelle para po sa isang event. "Ako po yung organizer that time with my partner si Sir Macky Macalla. Kami po yung coordinator at that time. Kinuha po namin si Super Tekla as requested by the doctors for that event." 

"Actually, kaming dalawa ni Sir Macky, ginawan po namin ito ng paraan para hindi po ito lumabas sa social media at hindi po 'to mapagusapan kasi pinoprotektahan din namin po yung career ni Tekla." 

"Morning ng 5:30, between 5:30 to 6:00, may tumawag sa second floor na karatig rooms nag-check in, nag-tawag dun sa front desk na meron daw nagkaguluhan sa second floor." 

"Sabi daw si Tekla daw nagwawala daw doon. Si Tekla lang yung na-mention. Eh di umakyat kami ng elevator. Pagdating namin dun, naabutan ko talaga, nakita ko nakabukas yung pinto, nagkalat ang mga spaghetti, may basag na plato at tsaka wine." "Duguan si Tekla sa kamay at tsaka sa mukha, sa may leeg. Yung girl, medyo nagwawala na siya. Siya yung hysterical, siya yung ganun. Tas si Tekla sabi niya, pinatatahimik niya yung girl at that time. Dumating ang security tas pinababa tas dun na nagkagulo." 

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post