Sa last episode  ng hidwaan nina Michelle Lhor at Tekla sa Raffy Tulfo in Action ay nagkaayos na ang dalawa alang-alang sa kanilang anak.

Sa nasabing episode, tinanong ni Tulfo si Michelle kung paano sila mamumuhay ngayong wala na si Tekla.

Raffy Tulfo: Michelle, last nalang pala. How do you survive right now? Sinong nagpoprovide sa inyo ng pang araw-araw na pangangailangan?

Michelle: Eto nga po sana ang pakiusap ko sa inyo sir, kakapalan ko nalang sana yung mukha ko sir. Hihingi sana ako ng tulong kung pwede po sir matulungan niyo kami na mabayaran po yung bahay na tinutuluyan namin dahil magtatalong buwan na pong hindi nababayaran, baka mapaalis napo kami dito.

Raffy Tulfo: Sige so ang problema mo 3 months rent para sayo at sa baby mo? And then pagkain?

Raffy Tulfo: Magkano ba yung sa renta?

Michelle: P3,500 po per month sir.

Raffy Tulfo: Sasagutin ko yung 3 months and then mag-papadala ako ng mga groceries para sa baby mo okay?


Michelle: Thank you po maraming salamat po sir. 

Raffy Tulfo: Para sayo lang at sa baby mo hindi kasama dun sa kapatid mo na medyo katulad ni Sharie na malusog

Michelle: Sana po sir pati yung anim na bata na minor na nag-aaral dito, yung mga pamangkin ko po. 

Raffy Tulfo : Sige magpapadala ako ng groceries para sa mga pamangkin at anak mo at babayran ko yung rental. Sige itutuloy ko hanggang 4 months.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post