Noong pumanaw ang Kapamilya teen actor na si AJ Perez ay nagpasya ang kanyang mga magulang na sina Gerry at Marivic Perez na ibigay sa EyeBank Foundation of the Philippines ang mga cornea niya para pakinabangan ito ng mga nangangailangan? 

Isa sa pitong choices sa Tuesday (October 27) episode ng "Bawal Judgmental" segment ng Eat Bulaga ay ang recipient ng cornea ng young actor. Siya ay ang 17-year old na si John Daniel delos Santos, resident ng Balic-Balic Quezon City.


"Eight years old po ako noong inoperahan. Bale, 'yung sa cornea po, nagkaroon ng puti sa gitna po kaya po napakasobrang labo po. Aninag lang po yung nakikita ko, isang mata lang po 'yung gumagana sa akin kaya po nahihirapan po ako..."

"Sa parents po ni Kuya AJ, saka sa kanya po mismo, maraming-maraming salamat po kasi napakalaking tulong po sa akin nu'ng cornea niya po. Habambuhay po na pasasalamat sa kanila po dahil malaking tulong po ito hanggang paglaki ko."

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post