Usap-usapan ngayon sa social media ang isang batang ina, matapos ibenta ang sariling anak mabili lang ang ninanais niyang cellphone.

Kinilala ang babaeng ito sa kanyang apelyedong si Ma na taga Cixy City, Zheijang China. Maagang nabuntis ang nasabing babae at nasa 20 taong gulang pa lamang.


Ibinenta niya ang kanyang kambal na anak sa magka-ibang presyo, ang isa ay 20,000 yuan o mahigit P140,609 at ang isa naman ay 45,000 yuan o nasa P316, 370.



Nagawa raw ito ni Ma dahil kailangan raw niyang mabayaran ang kanyang credit card. Peru sobra pa ang perang ito kaya ibili raw niya ito ng mamahaling cellphone.

Matapos ang bintahan ay lumitaw din ang ama ng mga bata na kinilala sa kanyang apelyidong si Wu hindi para magalit kundi para manghingi ng kanyang parte dahil baon rin daw ito sa utang dahil sa sugal.



Dahil sa kanilang ginawa, pinaghahanap sila ng mga pulis at inaresto.

Natagpuan rin kaagad ang mga nakabili sa kanilang anak peru nagastos na ng mag-asawa ang pera. Sa ngayon ay nasa pangangalaga na ng mga magulang ni Ma ang kambal.




 

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post