Agad na nagviral sa social media at umabot na sa 61k likes sa Facebook ang pag-sub ni Lola Rufina Castillo sa online class ng apo niyang si Miguel na nasa C.R. break.

Kwento ni Miguel:

"Skl (share ko lang), ang cute kasi ng lola ko. Pinicturan ko siya kasi parang enjoy na enjoy niya 'yung klase hahahaha, I love you nanay P. ❣️"

Bukod sa pag-attend sa online class, enjoy din daw sina Lola Rufina at Miguel sa dami ng mga nag-like at natuwa sa larawang ito.

Dagdag pa ni Miguel "Priceless po at sobrang nagulat. Natuwa siya kasi marami raw pong nag-share at nag-comment ng pampa-good vibes po"

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post