Isang bagong silang na sanggol ang natagpuan ng isang sales agent sa gilid ng kalsada sa Brgy. Calumpang, Liliw, Laguna kaninang umaga October 16,2020.

Hindi raw muna pinansin ng sales agent  ang narinig niyang umiiyak dahil akala niya ay pusa lang ito peru patuloy parin ang narinig niyang pag-iyak kaya hinanap na niya ito.

Sa ilalim ng isang punongkahoy niya raw nakita ang sanggol na nakabalot sa kulay puting tuwalya. Idinala agad sa Nagcarlan District Hospital ang sanggol para lapatan ng lunas habang patuloy na inaalam ng pulis ang posibleng pagkakakilanlan sa kanyang mga magulang para sampahan ng reklamo.

Sa ngayon ay nasa mabuting kalagayan na ang sanggol na pansamantalang pinangalanan na Baby.

Source: News 5

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post