Nagulat ang actress na si Kathryn Bernardo matapos niyang makatrabaho ang korean superstar na si Lee Min Ho o mas kilala bilang Gu Jun Pyo sa Boys Over Flowers.

Kabilang sina Kathryn Bernardo at Lee Min Ho bilang ambassador ng online shopping brand na Lazada. 


Maraming sa kanyang mga fans ang natuwa matapos nakasama ni Kathryn ang sikat na korean heartrob.

 Sa isang media conference, tinanong si Kathryn kung kumusta ang experience na makatrabaho ang isang Lee Min Ho.  “Of course I’m very, very honored, super nagulat ako! Hindi ko in-expect na siya ‘yung kukunin,” ayon kay Kath

“Hopefully, kapag maayos na lahat to, he can visit us here kasi ang dami niyang supporters dito sa Philippines including me": Dagdag pa ni Kathryn



Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post