Naging emosyonal ang kasambahay ng actress na Dimples Romana dahil sa sorpresang ibinigay ng actress sa kanya.

Nalaman ng Philippine Tabloid na binigyan ng house and lot ni Dimples si Ate Vilma bilang pasasalamat sa 17 years na pagtatrabaho sa kanila.


Ayon kay Dimples:

"Para kay Ate V 💚 Paano nga ba tayo lubos na makakapagpasalamat sa mga taong tinuring na nating pamilya? Mga taong hindi tayo iniwan meron man tayo o wala. Mga taong inaalagaan tayo sa araw araw at ang ating pamilya ng buong puso at malasakit. Sa Gabay at awa ng Diyos, sa daming dasal, dumating na ang panahon na pinapangarap ko lang na dumating. Maibabalik na namin sayo ate V ang Maraming taon ng serbisyo mo sa amin na para bang mga kapatid mo na kami. Mahal na mahal ka namin. Sana nagustuhan mo 💙 Ilang taon ko na din iniipunan ito para sa iyo. Dumating na ang araw na narinig ng Diyos ang dasal kong balang araw, maibalik namin sayo ang lahat ng pasasalamat at pagmamahal."

Narito ang video:

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post