Bumakas sa mukha ng isang bata ang ginawang pagsampal ng isang kapitbahay na pinangalang Badong Mancio matapos umano ito makabasag ng paso.

Ayon kay Maan Torne, kapatid ng bata, wala raw proweba ang nasabing lalaki na yung kapatid ang nakasagibat nakabasag sa nasabing paso.


Basahin ang kanyang post dito:

"Shout out don sa sumampal sa kapatid ko. ''Badong" MANCIO. Sino ka po para saktan at sampalin yung kapatid ko? Wala naman kayong proweba na sila ung nakasagi ng paso na sinasabi nyo. Gaano ba kamahal yan at kailangan nyo pang manakit ng bata.Ang idadahilan nyo kaya nyo sinaktan para di na maulit? Saang baluktot na dahilan nyo napulot yan. Yung garden garden nyo sa tapat nyo sakop na ng daan yan. Dapat nga empty space yan at wala yang halahalaman nyo jan. Yung latay sa mukha ng kapatid ko halatang buong pwersa pa ung pag sampal nyo jan. "

"SA BARANGAY. Pag punta pa namin sa barangay pinakwento lang yung pangyayari sa kapatid at sa nanay ko tapos blotter lang ginawa nyo. Imbis na ipatawag nyo ung matanda para mapag usapan yung pangyayari sinabi nyo lang na ''TSAKA NYO NA KAKAUSAPIN PAG NANGYARI PA ULIT" ano yon? Hihintayin nyo pang masampal ulit yung kapatid ko bago kayo umaksyon. Wala kayong ginawa kasi may kapit sa barangay yung nirereklamo namin kasi tatay yon ni MARLON MANCIO. Kami yung naagrabyado pero parang kami pa yung may kasalanan pati mga kapit bahay nyo nagtatawanan lang. Mukha lang kaming dukha pero di nyo kami pwedeng basta basta saktan. WALA KAYONG KARAPATAN."

"Isa din yung kapitbahay jan sa video na nakakita daw "kuno'' na naghaharutan ung mga bata kaya nasagi yung paso. Sasabihin nyo pa na mga sinungaling yung mga bata eh ilang beses na namin tinanong at paulit ulit na pinaamin yan pero iisa lang ung sinasabi nila na ''HINDI SILA YUNG NAKASAGI NUNG PASO". Ang sabi ng mga bata galing sila sa baba nun at pag akyat nila nasakto na kapatid ko yung nakita nyo at nasampal nyo ng buong pwersa. Yung lalaki sa video dinidiin nya na ung babae sa katapat nyang bahay yung nakakita ng pangyayari samantalang di nga nagsasalita yung babae nayon at kahit balibaliktarin pa ung sitwasyon at pangyayari hindi parin tama na saktan nang "Badong Mancio" nayan yung kapatid ko CHILD ABUSE yang ginawa nyo."

"Paulit ulit nyong dinidiin yung kapatid ko. Oo Given na makulit at pasaway ang bata pero di parin tama na nakakasakit kayo ng tao lalo nat matanda kayo at bata yung nasaktan nyo."

"PS: Kahit sino sa sitwasyon namin na nasaktan yung batang kamag anak nyo talaga namang MAGAGALIT at SASAMA ANG LOOB. Nag iwan pa kayo ng latay sa mukha ng kapatid ko. Hanggat maari di nga masaktan saktan nga ng magulang ko yan lalo na nag iiwan ng latay. Kayo pa na walang karapatan."

"Pps: Sana may makapansin neto. Walang aasahan sa barangay kasi di naman nila inaaksyunan. MAY KALALAGYAN DIN KAYONG LAHAT. DI LANG NGAYON PERO SA TAMANG PANAHON."

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post