Nagviral ang mga larawan ng isang 93 anyos na lolo mula Tacurong City na si Bonifacio Gadola Santola Sr na matiyagang tinuturuan ang kanyang apo sa kanilang learning modules kahit nakamagnifying glass na.

Kilalanin dito si Lolo Bonifacio na pinost ng Deped Tayo soccsksargen:


"Si Lolo Boning ay treasurer sa Office of Senior Citizen (OSCA) sa Tacurong at hindi siya tumatanggap ng sahod dahil para sa kanya ito ay “labor of love”. Tuwing magkaka panahon ito, o matapos niya ang kanyang mga gawain ay agad nitong tinatawag ang kanyang mga apo upang sagutin ang kanilang mga modyul. 

Gamit ang magnifying glass ay isa isang binabasa ni Lolo Boning ang mga modyul upang ipaliwanag sa mga apo ang nilalaman nito. Sa karagdagan, si Lolo ay dating cashier ng isang malaking kooperatiba sa rehiyon, at noong siya ay nasa kolehiyo ay kumuha ng accounting, at nakakamangha sapagkat mga accounting subjects ang kanyang nakahiligan, na siya namang iniiwasan ng iilan. Hindi man siya nakapagtapos ng kolehiyo ay nagawa parin nyang mapagtapos ang kanyang mga anak.

Ngayon hindi pa nagtatapos ang kanyang misyon, dahil ang kanyang mga apo naman ang kanyang pinagtutuunan ng pansin.

Isa kang dakila Lolo Boning, pinatunayan mong ang edad ay hindi hadlang upang magturo."

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post