Usap-usapan sa social media ang post ng isang OFW na kung saan pinilit siyang pagsponsorin ng kanyang kumari para sa binyag umano ng anak nito.

Makikita sa post ni Rachelle Claire Melchor na kinumusta pa siya nung una ng kanyang kumare at di kalaunan ay nagdemand na ito ng pasalubong para sa kanya at kanyang anak.


Habang humahaba ang kanilang usapan ay inimbitahan na ito sa binyag at dito na pinilit pagsponsorin ng 5,000 para sa binyag ng kanyang inaanak.

Basahin dito ang buong post ni Rachelle:

"Pangalawang magulang po hindi sponsor"

Nakakalungkot lang isipin na kinukuha kang ninang ng iba mong kaibigan para lang may ganito ganyan. Keso nasa abroad daw ako keso malaki daw sahod ko. Oo nasa abroad ako pero di ako lumalangoy sa pera. Kung ano man yung kinikita ko pinaghihirapan ko yun.Kung anong meron ako nagtitipid ako para makuha ko yun. Pinaghihirapan yun ng mga OFW sa kung saan saang panig ng mundo.

Hindi kami nakaupo lang at naghihintay lang ng grasya. Never ever think na nandito kami para lang sumakit ang ulo kakaisip ng ipapasalubong sainyo. Iniisip din namin yun. Pero may kanya kanya tayong needs and expenses.Nakakalungkot nga kakamustahin ka lang pag ganyan.


Kakausapin ka lang pag manghihingi ng pasalubong o ng pabor.Hindi naman ako nanghingi ng pabaon nung umalis ako diba? Kung makahingi wagas ? Sapilitan? Willing naman ako magbigay sa inaanak ko which is diko naman talaga kasi alam na ninang niya ko. Pero wag nmn sana s gnung way kasi nakakasama ng loob.

Always keep in your mind na hindi purket nasa abroad kami naliligo na kami sa dolyar. Nahihirapan din kami lalo na yung mga OFW na walang kasamang pamilya. Kahit yung mga di OFW. Kahit yung mga nagwowork jan sa Pinas na kukunin nyong ninong at ninang.

Bawal tumanggi sa pagiging ninang at ninong. At ayoko naman talagang tumanggi kasi angels ang mga bata pero isipin nyo na kaya nyo kame kukuning ninang at ninong para nandito kami na magbibigay ng guidance if ever na wala kayo sa tabi nila hindi para gawing sponsor.


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post