Inulan ng samut-saring reaksyon ang isang 10 years old na estudyanteng ginabi kakasagot ng kanyang module.

Ayon kay Rommel Batula, uploader ng nasabing larawan, naawa na raw siya sa kanyang pinsan dahil late na raw umano itong matulog at nahirapan na raw ito kakasagot ng module.

Basahin ang buong post ni Rommel:

"Lumabas ako nang kwarto bandang 8:40 kase nagutom ako,. And I saw my cousin studying and answering her modules, kaya hinayaan kona sya kase mukang seryosong seryoso kaya natulog nalang ulet ako pag tapos ko kumain, nagising ulet ako mga bandang 9:40 para manood nang tv nagulat ako kase andun paren pinsan ko hanggang mag 10:15 nag aaral paren sya tinanong kosya kung bat diparen natutulog sabe nya kailangan nadaw bukas kaya tinulungan Kona mag sagot, habang nagbabasa ako nayuko sya tas bigla nyang sinabe na nahihirapan nadaw sya naawa ako sobra, seeing her stressful face is so heartbreaking,btw she's only 10yrs old, napaisip tuloy ako na pano kaya kung umabot hangang 4th quarter pero ganto paren yung situation, kakayanin pa kaya nila? Konting consideration naman!!!!"

Narito naman ang ilan sa mga reaksyon ng netizens:

"Kanina mga bandang 2 narinig ko umiiyak pamangkin ko. Then tinanong sya nang mama nya. Oh anak bat ka umiiyak. Sagot nang pamangkin kong g2. MA KASE KAILANGAN KO NANG MATAPOS TO EH. KASE BUKAS NA IPAPASA PERO MADAMI PA AKO SASAGUTAN. ANG HIRAP. Imagine g2 lang un. Pero sobra nang nahihirapan. Oh baka sabihin nyo bat kase di namin tulungan. Tinuturuan din po namin."

"Aantayin pa ata ng deped na may sumunod na magpakamatay dahil sa mga sandamakmak na module na yan bago pakinggan yung #AcademicFreeze Lintek naman kung ganon at sana wag naman mangyari ulet"

"idk why they think that online or modular classes are helpful for the students learning, like they're learning on their own how can you think that they can teach their own selves #AcademicFreeze"

"grabe naman yan DepEd at CHED. ganyan ba gusto niyong mangyare sa aming mga estudyante? hindi naman module ang sa amin pero online classes naman pero sh*t hirap na hirap ako makasabay sa mga lessons namin dahil sa internet connection at pagkaka ubos ng mb ko sa bawat oras ng meetings namin. like duh , saya kayo DepED at CHED? hindi lang estudyante ang nahihirapan pati na din ang mga magulang na imbes na stress lang sila sa trabaho pati sa modules at load namomoblema din sila :))

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post