Maraming netizen ang humanga sa isang estudyante na kahit nagtitinda ay pumasok parin sa kanyang online class.

Ipinost ito ng isang netizen na si Richard Rubrica na agad nagviral sa social media at umabot na sa 46k reactions at 36k shares.

Ayon kay Richard:


"Online Class"

Itatago ko sya sa pangalan "Nene", isang face shield vendor.

"Yah, Teh! Face shield kayo dyan!

" Sabay sabing "yes maam! 1 to 5 po ba?". 

Bigalang "oo teh, sampu lang dalawa bente".

Isang eksenang kala mo sa pelikula lang makikita. Ngunit,

ito ang mukha ng Pilipinong mag-aaral ngayong "New Abnormal". Marami sa ating mga mag-aaral ang pinipilit na makasabay sa sistemang ito kahit batid natin na hindi sapat ang ating kahandaan dito. Maging ang mga guro ay nangangapa parin sa dilim kung paano maaabot ang kanilang mga magaaral. Ngunit...syempre..tulad ng laging gawi...lalagyan "nila" tayo ng "band-aid" at ikukubli sa "face shield" ang totoong lagay ng ating sistema ng edukasyon.

(Si nene po ay maaari ninyong makita sa gilid ng mercury drugs sa Zabarte mall North Caloocan)

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post