Talagang di mapigilang ilabas ng radio host na si Christy Fermin ang kanyang mga maanghang na mga salita laban sa komedyanteng si Vice Ganda tungkol sa paglipat ng ilang artista ng ABSCBN sa kabilang istasyon.

Ayon kay Fermin:

“Kinausap ako kanina ng isang kaibigan ko. Narinig daw niya si Vice Ganda sa A2Z na parang nagtatawanan sila at nagpaparinig. Gusto raw niyang tanungin si Gat. Andres Bonifacio kung ano ang isinigaw niya noong sumugod,” 


"Sugod mga kapatid!’ Ganon daw ba? O ‘Sugod mga kapamilya!’ Parang ganon. Sa pagkaintindi ng mga nag-report sa akin, parang inuuyam ni Vice Ganda ang mga Kapamilya na sumugod dito sa Kapatid channel"

"Wag mo namang iniinsulto yung mga Kapamilya ninyo na lumundag dito sa Kapatid channel na hindi naman nakaipon at wala namang pera na tulad mo. Alam mo, Vice Ganda, maipapayo ko lang, ang aga-aga pa lang gumagawa ka na naman ng mga usapin,"

"Kung ikaw ay nasa kanilang kalagayan, siguradong hahanap ka din ng trabaho sa ibang channel… Baka isang araw, biruin ka ng kapalaran. Baka ikaw naman ang lumundag ng ibang channel… Umiikot ang gulong ng buhay… Wag kang mayabang!"


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post