Hiwalay na ang actor na si Buboy Villar,21 sa kanyang Amerikanang live in partner na si Angillyn Gores,22.

Ayon sa report ng Pep.ph, kinumpirma ito ni Angillyn, sa pamamagitan ng kanyang nakababatang kapatid na si Veybillyn Goren ngayong Lunes ng umaga, October 5.


Pahayag ni Angillyn : "Naghiwalay kami ni Buboy two years ago, pero tinray pa rin naman namin i-workout pero we both realized na it wasn't working na talaga.

"So, mutual decision naman na maghiwalay kami at maging parents na lang sa mga anak namin."

Dagdag pani Angillyn, mas nakakabuti umano sa kanila ngayong hiwalay na sila ni Buboy dahil pareho nilang nababantayan ang kanilang anak.

"Feeling ko, mas naging okay naman both sides."

"Arrangement namin sa mga anak namin is pwede niya dalawin anytime, or kunin sa bahay sila Vlanz at George."

Iniexplain din ni Angillyn kung bakit nasa mga magulang ni Buboy ang kanilang mga anak.

"Marami nagtatanong sa akin at sa vlog ni Buboy kung bakit sa bahay nakatira yung mga anak namin, ang dahilan dun is dati kasi nagti-taping si Buboy halos araw-araw.

"Hindi niya rin maaalagaan mga anak namin, at sa bahay naman nila maraming batang inaalagaan mama ni Buboy.

"So we both decided sa bahay na lang yung mga anak namin dahil maaalagaan naman sila mabuti nila Mama at Papa

"Sobrang thankful kaming dalawa ni Buboy sa parents ko kasi sobrang spoiled at alaga sila.

"Sobrang goods din ni Buboy at ng parents ko kaya wala namang problema..."

Source: Pep.ph

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post