Inulan ng papuri ang isang amang street sweeper na si Rolando Eugenio , matapos niyang pagtiyagaang turuan ang kanyang tatlong anak na sina Roselyn, Mark at Jeth sa ilalim ilaw ng poste dahil wala silang kuryente.

Sa budget na higit P100 kada araw, malaking hamon kay Rolando ang maitawid ang pang-araw-araw ng kanyang pamilya. Ito ang dahilan kung bakit hindi siya makapagpakabit ng kuryente at makabili ng gadget para sa pag-aaral ng mga anak. 


Hindi nakapagtapos si Rolando kaya’t nagsisikap siyang tutukan sina Roselyn, Mark at Jeth sa kanilang pag-aaral para sa kanilang kinabukasan. Dinadala niya ang tatlong anak sa kanyang trabaho kung saan tinutulungan siya ng kanyang amo sa pag-aaral ng mga bata online, at sa gabi naman ay nagbabasa at nasusulat sila sa ilalim ng ilaw ng poste sa labas ng kanilang bahay.

Panoorin dito:

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post