Binawian ng buhay ang isang 25-anyos  matapos hanpasin ng walis ng kanyang bestfriend.

Ayon sa report ni Russell Simorio, nasawi ang 25-anyos na si Rolly Arroza matapos siyang paghahampasin ng walis tingting sa leeg at ulo sa Barangay Ligue, Bayambang, Pangasinan. 

Ang suspek ang mismong katrabaho ng biktima na itinuring niyang bestfriend na si Orland Aranio. 


Sa imbestigasyon ng pulisya, ang pagpapatugyog ng maingay na radyo ng suspek ang ugat ng krimen. Nagising ang biktima dahil sa lakas ng radyo kaya nagkaroon sila ng mainit na pagtatalo. Naaresto ang suspek at humihingi ng “sorry” sa pamilya ng biktima. Hustisya ang sigaw ng pamilya Arroza.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post