Inamin na ni Jessy Mendiola sa isang online interview kasama si Angeline Quinto sa show na PadaLove na hindi niya type si Luis Manzano noong una pa silang nagkakilala.

Ayon kay Jessy ng tinanong sa kanyang first Impression kay Luis: “Naku, hindi. Hindi talaga kasi hindi kami same ng personality ni Luis. Napapansin n’yo naman si Luis napakakulit. Tapos ako kalma lang akong tao.” 


Dagdag pa ni Jessy: “Simula pa lang talaga, as in talagang hindi ko siya type. Hindi talaga siya yung ideal talaga na gusto ko. Kasi si Luis mestizo, ang talagang mga type ko nu’n moreno, ‘yung pa-mysterious, tahimik ganyan.” 

Paliwanag ni Jessy: “Si Luis kasi, alam mo ‘yan Angge, ‘di ba, kapag ka meron siyang mga tinutulugan, kapag meron siyang alalayan na mga tao, hindi na niya pinapaalam. Ako ‘yung saksi na nakikta ko kung paano niya gawin. At naririnig ko talaga du’n sa kausap niya na, ‘Ay ‘wag mo na lang ipaalam na galing sa akin ‘yan ha’ and it’s very nice to see someone like that upfront na ganu’n pala talaga siyang tao.” 

Patapos na sabi ni Jessy: “Nung unang beses ko siyang nakitang ganu’n, parang sobrang lumambot ‘yung puso ko. Natunaw ako. Yung appreciation lang na ipakita natin sa ibang tao na ganitong klase siyang tao kasi siya mismo, hindi niya pinapakita ‘yun. Hindi niya ipinapaalam,” lahad pa ni Jessy patungkol sa kabutihan ng puso ni Luis.” 

Anong masasabi nyo sa balitang ito?

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post