Magkasunod na binawian ng buhay ang ama at ina ng magkapatid sa mura nilang edad.


 Naunang pumanaw ang kanilang ina noong May 20 at pumanaw narin ang kanilang ama nito lamang September 11 ngayong taon.


Ang nakakalungkot na balita ay ibinahagi ni Justin David Lagman anak ng pumanaw na mga magulang.

"Pa kakawala lang ni mama nung May, tapos ikaw naman ngayon pa? Ang daya mo naman e bat sumama ka na agad kay mama grabeng hirap kasi nga wala na kayong dalawa, kasi wala na akong tatay at nanay alam kong di nyo to ginusto pero siguro nga may Plano si God saamin ni madie pero ang nakakagulat lang pa di ko ineexpect na mawawala ka ng ganun kabilis parang kahapon ng umaga ang lakas mo pa nakangiti ka pa pero nung dumating yung tanghali bigla ka nalang nahirapan huminga at bigla ka nalang inatake at nahimatay na revive ka pa e kaso ayaw mo mag padala kasi sabi mo okay lang hanggang sa inatake ka nanaman tapos hanggang sa dinala ka na sa hospital tapos ayun di mo na kinaya wala ka na agad. Sabi ko lumaban ka e kailangan ka pa namin ni madie ang daya mo pa e ikaw nalang natitira kong magulang nawala ka agad. Pero ma at pa wag kayong mag alala di ko pababayaan si madie ako ng bahala sakanya mag pahinga nalang kayo dyan, wag kayong mag aaway ha sana happy na kayong dalawa dahil mag kasama na kayo sa heaven."

" Ma at Pa lagi nyo kaming gagabayan ni madie ha sana bigyan mo ko nyo ko ng lakas para malampasan ito kasi grabeng hirap kasi wala na kayo. Pero kakayanin ko to para kay madie Lord ikaw na po bahala dyan kay papa at mama ha alam ko kaya kinuha mo sila may mga rason kaya kinuha mo agad sila"

"Miss ko na kayong dalawa. Ingat sa byaheng langit ma at pa
Iloveyou pa at ma
Salamat sa mga memories natin hinding hindi ko kayo malilimutan. Tama na 2020 please!" 

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post