Agad na nagviral sa social media ang pagtawid ng college instructor na si Moises Palomo sa isang sapa sa Tandag City, Surigao del Sur para mamigay ng mga reading materials na gagamitin sa distance learning.

Ayon sa guro, dumaan sila sa tulay noong namigay sila ng reading materials sa mga bata. Nabali aniya ang kawayan nang siya'y dumaan at may nahulog na reading materials sa sapa kaya sinubukan niya itong abutin ngunit siya'y nahulog.


Dagdag ng guro, naniniwala siyang karapatan ang edukasyon at hiling niya'y matulungan sila na maging abot-kaya ang pag-aaral sa kanilang lugar sa kabila ng pandemiya.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post