Agad na nagviral ang isang empleyado ng dating internet provider ni Liza Soberano na Coverge matapos nitong bastosin si ang actress sa social media.

Ang nasabing babae ay si Melissa Olaes, sinasabi kasi nito masarap di umanong ipag*hasa si Liza matapos nitong magreklamo sa customer service at internet ng kanilang kumpanya.


Ayon kay Olaes: “Wala tayong magagawa, wala ng trabaho, kaya di bale ng masira ang image, magkapera lang. sarap ipa-r*pe sa mga….. ewan.”



Agad naman nagreact dito si Liza at sinabing: “Don’t worry we won’t let this one pass.”


Matapos nito ay nakatanggap ng matinding pambabash ang nasabing empleyado kaya agad siya humihingi ng public apology sa kanyang social media account. 

Ayon kay Olaess:


Six hours ago, napakasimple at tahimik ng buhay namin ng mga anak ko. Hanggang may nagparating sa akin ng mensahe na  tanggalin ko daw ang post ko sa Twitter. 

Nagulat ako dahil wala akong account sa Twitter, o kahit sa IG. Hindi rin po ako madalas magpost sa FB o magcomment sa mga FB friends sa kani-kanilang mga posts. Bihira po ako magkomento. Hanggang makarating nga sa akin ang isang 'pagsubok sa katatagan ng aking pagkatao at paniniwala sa Diyos" - ang isang post sa Twitter na in-screenshot ang aking FB comment sa isang pribadong usapan at ngayon ay nagtetrending na.

Hindi ko po ipapaliwanag ang aking sarili, dahil alam kong wala rin itong magiging bearing sa mabigat na sitwasyon na kinalalagyan ko ngayon. Pero gusto ko pong iparating sa lahat na lubha po akong nasasaktan sa nagaganap. 

Marami saking nagpi-pm ng mga masasakit na salita. Maraming nagreretweet at nagko-comment ng napapapikit na lang ako para palampasin ang sakit sa aking kalooban. Masakit po dahil, alam ko po ang katotohanan ng pagkatao, integridad at dignidad ko.


Pero hahayaan ko na lng po kayo lahat maglabas ng inyong sama ng loob, inis o anu pa mang emosyon meron kayo sa ngayon.

Nauunawaan ko po kayong lahat... hindi maganda at karapat dapat na gawing biro ang salitang R*PE. Isa itong sensitibong isyu na dapat ay pinag-isipan kong mabuti bago ko naikomento kahit ba ito para sa akin ay walang halong malisya - random thought sa isang pribadong usapan. 

Ang salitang R*PE ay hindi dapat ginagawang biro dahil sa kaakibat nitong social, political and cultural impact. Naging insensitive ako at nawalan ng tamang judgment. Dahil dito, ako ay humihingi ako ng pauanhin sa lahat ng nasaktan  sa isang maling biro na nasabi ko.

Ang akin pong kumpanya, ay walang kinalaman sa aking facebook activities dahil ito po ay personal kong pag-aari. 

Ipinaparating ko rin ang aking paghingi ng paumanhin sa aking kumpanya dahil sa naging epekto nito sa kanilang imahe.
Sa mga anak ko, mga kapatid ko, mga pamangkin ko, mga kamag-anak ko, sorry sa kahihiyan na naidulot ko sa inyo.

At sa mga kaibigan na nakakakila sa akin at nagpahayag ng kanilang panalangin at suporta, maraming salamat.

At lalo't higit, sa inyong lahat... isang taos pusong paghingi ng paumanhin po.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post