Di mapigilang ma-iyak ang komedyanteng si Pokwang nang mapag-usapan ang tungkol sa isyu ABS-CBN shutdown.

Nalaman ng Philippine Tabloid  na tumanggap ng dalawang projects sa TV5 ang komedyante.

Isa sa mga host si Pokwang sa show ng TV5 na “Fill In The Bank” kasama si Jose Manalo at isa isa rin siya sa host sa talk show na “Chika, Besh.”.


Sa isang online press conference ay hindi mapigilang maging emosyonal ni Pokwang nang magpasalamat siya tiwala na binigay sa kanya ng kapamilya network.

“Nagpapasalamat po ako nang sobrang-sobrang pasasalamat po talaga sa ABS, sa mga nagtiwala sa akin. And nagpapasalamat pa rin po ako, kasi ako po yung una nilang sinabihang wala nang kontrata. Dahil ganun kaaga po nila ako sinabihan, maaga po akong nakapag-decide, nakapag-isip para po sa pamilya ko,” saad ni Pokwang .

“Kasi hindi po ako pwedeng huminto. Hindi po ako pwedeng ngumanga. Marami pong umaasa sa akin… Alam niyo naman, kung ako lang ‘to, kung wala akong anak at nanay na gagamutin habang buhay, kaya kong maghintay, kaya kong mag-stay…” Dagdag pa mg komedyante.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post