Nagpositibo sa Covid-19 ang dating actor na ngayon ay kasalukoyang governor sa Bulacan na si Daniel Fernando.

Inanunsyo ng nasabing governor nitong lamang sabado August 29 matapos niyang makuha ang kanyang RT-PCR test.


Ayon sa Ulat ng ABSCBN News, kusang nagpa-test ang dating aktor nang malamang isa siya sa mga close contact ni Board Member Ramil Capistrano na naunang nagpositibo sa virus.

Pahayag ni Gov Fernando:

“Nagkaroon ako ng inisyatibo na magpatest matapos na maging close contact ng nasabing lokal na opisyal." 

"Wag nating kalimutan na maging ang mga world leaders at top government officials ay naging infected sa virus, dahil wala itong pinalalagpas at wala itong respeto sa mga indibidwal, maging sino man sila,"

Sa ngayon ay nagsagawa na ng contact tracing para agad na matest ang mga taong kanilang nakasalamuha.



Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post