Hinatulan ng 7 years na pagkakakulong ang 61 anyos na singer at businesswoman na si Claire dela Fuente kaugnay ng tax evasion cases na isinampa ng Bureau of Internal Revenue (BIR) laban sa kanya sampung taon na ang nakararaan.

Ayon sa report ng Manila Bulletin noong July 15, pitong kaso ng tax evasion ang isinampa ng BIR laban kay Claire.

Ito ay matapos nabigong magfile ng income tax return ang nasabing negosyante mula pa noong 1998 hanggang taong 2004.


Pinirmahan ni Associate Justice Ma. Belen M. Ringpis-Liban ng Court of Tax Appeal (CTA) ang desisyon na isang taong pagkakakulong sa bawat isang kaso.

Si Claire ang may-ari ng Philippine Corinthian Liner Corporation (PCLC) bus company.





Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post