Isa si Kathryn Bernardo sa mga artistang nagsalita at sumoporta para sa franchise ng ABS-CBN.

Peru sa kasawiang palad ay binasura ng kamara ang prankisa nang nasabing istasyon.

Sa isang instagram post, ibinahagi ng aktress ang kanyang suporta sa ABSCBN sinasabi niyang sa kanila parin ang kanyang suporta.



Ang dami mong pinagdaanan nitong mga nakaraang buwan. Ang daming sumubok sa 'yo— nangmaliit at kumutya. Pero hindi ka sumuko.

Nandito ka pa rin, patuloy na nagbibigay ng pag-asa sa aming lahat. Kami naman ngayon, hayaan mong kami ang magbigay ng liwanag sa 'yo sa panahong pinaka-kailangan mo kami.

Hindi pa dito nagtatapos ang lahat. Hindi ka namin iiwan hanggang sa makabangon ka muli. Magpakatatag ka.

Kakayanin natin 'to nang magkakasama. Mahal kita, ABS-CBN. Tandaan mo 'yan.❤️💚💙


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post