Nagalabas na ng kanyang saloobin ang kapuso aktress na si Sunshine Dizon ukol sa kasalukuyang namumuno ngayon sa gobyerno.

Inilabas niya ang kanyang saloobin sa pamamagitan ng pagpost sa kanyang social media account.

Ayon kay Sunshine:
Matagal na din ako nanahimik, sinabi ko din na kung wala magandang sasabihin manahimik na lang pero mas malaking kasalanan ang mag bulagbulagan kung alam mo ng hindi na tama.


Marami akong kaibigan na hindi ko na siguro magiging kaibigan pag katapos nito pero ayos lang kasi ibig sabihin hindi talaga sila kaibigan.

Bago nyo ako husgahan at tawaging bobo gaya ng iba dyan na ang huhusay at ang lalakas ng loob mang liit ng kapwa nilang Pilipino kahit wala naman sila ni singkong na i ambag para sa kultura at bayan, Oo hindi po ako abogado pero marunong po akong mag basa at marunong din akong umintindi.

Gusto ko pong mamuhay sa Pilipinas kasama ng aking mga anak, pamilya at mga kaibigan ng payapa at walang takot na may mga tao na matatas at makapangyarihan na pwedeng abusuhin ang batas na dapat ay poprotekta sa ating lahat.

Gusto ko pong mamuhay na walang takot na ako ay pwedeng mapag susupetyahang terrorista dahil nilabas ko lang ang aking mga saloobin o akoy sumali sa isang protesta.

Hindi tamang mawalan tayo ng boses at karapatang pumuna kapag tayo ay may mga mali nang nakikita.

Gusto kong lumaki ang aking mga anak sa ating bayan na malayang makakapagpahayag ng kanilang saloobin, rerespetuhin ang kanilang karapatang pantao.

Sumasang ayon ako sa batas na poprotekta sa ating lahat laban sa terrorismo pero hindi ako sang ayon sa batas na hindi malinaw na posibleng ma abuso sa mga kamay ng mga taong nakatataas at makapangyarihan na pansariling pakinabang lang ang uunahin.

Araw araw tumataas ang bilang ng may mga sakit dahil sa covid.

Nasaan na ang kongkretong plano para sa bayan?

Wala pa rin mass testing.

Pero nagawang ipasara ang AbsCbn at tanggalan ng hanap buhay ang higit sa 11,000 na pamilya.

Nagawa ang ANTI TERROR BILL.

Paano at ano pa ang mga pwede nilang gawin ngayong ito ay nai sa batas na.

Wag na tayong mag bulagbulagan kailangan nating ipag laban ang ating kalayan at protekatahan ang ating karapatang pantao. 

View this post on Instagram

#itoangsonako #sonangaling #sonatotoo Salamat sa mga maayos na nag binigay ng opinyon at marunong rumespeto din sa opinyon ng iba. Hindi man tayo parepareho ng katwiran lahat sana ng Pilipino matututong mag pahayag ng tama at ayon sa pinag uusapan at hindi iyong pa memersonal at pambabastos ang kanilang paraan upang depensahan nila ang kanilang katwiran. Salamat sa mga naki isa at sa iba na hindi tanggap ang aking opinyon maari na po kayong mag unfollow para hindi po tayo magkasakitan ng damdamin. Ipagdarasal ko ang Pilipinas at lahat ng na mumuno gabayan sana sila ng Poong May Kapal himukin at ma alala nila ang tunay nilang tungkulin. Mag silbi para sa bayan, para sa mga Pilipino at hindi para sa kanilang mga sarili. Salamat po.

A post shared by 𝓜𝓲𝓼𝓼 𝓢𝓾𝓷𝓼𝓱𝓲𝓷𝓮 𝓓𝓲𝔃𝓸𝓷 (@m_sunshinedizon) on



Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post