Sa latest vlog ng singer na si K Brosas ay emosyonal ito matapos inamin ng kanyang anak na isa itong tomboy.

Rebelasyon ng kanyang anak.

Ako po si Crystal and I'm a lesbian. I am gay.


 Napansin na umano ni K Brosas noong highschool pa ang kanyang anak na medyo may pagkalalaki ang kilos nito.

May payo rin ang singer sa lahat ng magulang na tanggapin kung sakaling magkaroon sila ng LGBT na anak.

Sa mga nagtatanong, matagal ko na pong alam. High school pa lang, alam ko na bilang nanay. And, wala akong galit, wala akong bwisit, tinanggap ko.

 Kahit halamang dagat ka pa, mamahalin kita kasi that's unconditional love bilang magulang. “Pasensya na po sa mga Christian or hardcore keme, nag-iisang anak ko 'to, e. Kung ano'ng gusto niya susuportahan ko.

Tinanong ko siya nang biglaan ngayong birthday ko kung gusto ba niyang mag-out. Umiyak siya kasi gusto na niya talaga. Ang sexual preference ng anak ko walang kinalaman sa pagmamahal ko sa kanya.
 
Kasi alam ko na may ilan sa inyo na babalik sa akin. Even family [members] ko, parang alam ko na, e. Sasabihin nila, 'Meron kang mali na ginawa kung bakit ganyan lumaki ang anak mo.

Pero mas importante ang kaligayahan ng anak ko e. Ito ang gusto niya so wala kayong pakielam.

Please sa mga parents na nagtatakwil sa mga anak nila dahil hindi nila kaya maawa naman kayo sa mga anak niyo kasi anak niyo yan, e.

I'm doing this kasi gusto kong mamulat… naba-bother ako sa mga magulang na dinidisown ang mga anak nila
Ano masasabi nyo sa balitang ito?

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post