Nagtungo sa social media ang kapuso aktress na si Jennylyn Mercado para ibahagi ang kanyang saloobin ukol sa nangyaring pagbasura ang franchise renewal ng ABSCBN.

Sinupalpal din nang actress ang mga netizen na nasisiyahan sa kasalukoyang nangyari ngayon sa Kapamilya Network.

Ayon kay Jennylyn:.


Sa mga lumuha at nawalan, our prayers and hearts are with you. Sa mga taong tuwang tuwa sa mga pangyayari, huwag niyo sana danasin ang lumuha din at mawalan. Hindi ba na tinuruan tayo ng ating mga magulang na maging makatao sa kapwa? Rejoicing because of other people’s sorrow is not only wrong, but inhumane. You are cruel.

Ang daling sabihin para sa inyo na “Law is Law” pero ang mga pulitiko o may kapangyarihan na lumabag nito ay hindi naman nakaranas ng parusa para sa batas na nilabag nila. If you say that then everyone should be held at the same standard. Huwag muna tayo mag Mananita. No network is perfect, policies can and will be improved. Ang importante ngayon ang mga taong nawalan ng trabaho lalo na at pandemya. Ang daling sabihin na okay lang sa inyo kasi sa tingin ninyo ay hindi kayo naapektuhan. Pero sana kahit saglit ay ilagay ninyo ang sarili sa posisyon nila. Huwag kayo maging manhid sa hirap na nararanasan ng iba. Will pray for everyone to be enlightened and to remember the values that makes us human... Please be kind to one another. Thank you."

 Kung sa tingin mo ang mga taga Abs lang ang apektado, paano ang mga tao na kumikita indirectly sa Network? Caterers sa set, drivers, equipment rental houses at mga employado nila, mga cameraman at tech team, talent managers, mga assistang ng mga artista, talent suppliers, mga talents o bit players, freelance production designers, freelance writers, ang mga mayari ng mga restaurants na malapit sa Abs, ang mga tauhanan nito, at madami pang iba. Libo libong tao ang nawalan din ng trabaho. Lahat ay naapektuhan at maapektuhan. Paano na sila?
Photo Courtesy on Facebook:  Jennylyn Mercado

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post