Ipina-alam ng komedyanteng si Michael V sa publiko na isinugod siya sa ospital dahil sa pagkakaroon ng sintomas sa Pneumonia.

Matatandaan na inamin ng aktor na siya ay nagpositibo sa covid 19 noong mga nakaraang araw.

Ayon sa kanyang Instagram post, pumuntauumano siya sa ospital para magpa X-ray.


Inireklamo ng komedyante na mabilis umano siyang mapagod at ayon sa doktor posible umano siyang nagkaroon ng Pneumonia.

Ayon kay Michael V:

“Sa mga concerned, nagpa-X-ray ako kahapon para masiguro kung meron akong pneumonia. Medyo mabilis kasi akong mapagod. May nakita silang pwedeng “pagmulan” ng pneumonia pero hindi naman daw kailangang magpa-ospital. Niresetahan nila ako ng antibiotics at sinabihang sa bahay na lang ituloy ang pagpapagaling. Naka-self quarantine pa rin po ako para sa safety ng lahat ng nasa paligid ko.“

“Gusto kong magpasalamat sa lahat ng patuloy na nagdarasal para sa kaligtasan namin ng pamilya ko. At gusto ko ring paalalahanan ang lahat na mag-ingat para wala kayong pagsisihan sa huli. Maging responsable at gawin ang lahat ng makakaya para hindi kayo mahawa o makahawa.“

“Laging maging malinis sa paligid at pangangatawan. At lagi ring magsuot ng mask at PPE. Stay home everyone and stay safe. 🙏🏼“
View this post on Instagram

UPDATE Sa mga concerned, nagpa-X-ray ako kahapon para masiguro kung meron akong pneumonia. Medyo mabilis kasi akong mapagod. May nakita silang pwedeng “pagmulan” ng pneumonia pero hindi naman daw kailangang magpa-ospital. Niresetahan nila ako ng antibiotics at sinabihang sa bahay na lang ituloy ang pagpapagaling. Naka-self quarantine pa rin po ako para sa safety ng lahat ng nasa paligid ko. Gusto kong magpasalamat sa lahat ng patuloy na nagdarasal para sa kaligtasan namin ng pamilya ko. At gusto ko ring paalalahanan ang lahat na mag-ingat para wala kayong pagsisihan sa huli. Maging responsable at gawin ang lahat ng makakaya para hindi kayo mahawa o makahawa. Laging maging malinis sa paligid at pangangatawan. At lagi ring magsuot ng mask at PPE. Stay home everyone and stay safe. 🙏🏼

A post shared by Michael V. 🇵🇭 (@michaelbitoy) on





3 Comments

Dont Forget to Leave a comment

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post