Advertisement

Vico Sotto hinangaan matapos nagbahay-bahay para mamigay ng tulong


Hinangaan ng maraming netizen si Pasig City Mayor Vico Sotto matapos personal na nagbahay-bahay para mamigay ng tulong.

Sa kanyang official facebook page, ibinahagi ni Mayor ang mga larawan ng kanyang pamamahagi.


Post ni Mayor Vico:
Para hindi na lumabas ng bahay ang mga senior citizen para kunin ang tulong sa HOSPICE, nagsimula na ang HOUSE-TO-HOUSE DELIVERY ng mga
- Diaper,
- Gatas, at
- Gamot
para sa 3 buwan, mula sa lokal na pamahalaan.

Sinabay na rin natin ang
- Pension para sa mga naaprubahan na ng DSWD,
- 1K food coupons, at
- Food pack na may bigas.
Personal akong sumama sa ilang bahay para makita yung flow ng pag-ikot ng team natin.

Good job, Hospice + CSWD team and thank you BAO for coordinating with the brgy!



Post a Comment

0 Comments