Advertisement

Sharon Cuneta sinabihan si Mommy Pinty na iwanan na si Alex: “Iwanan niyo na po ‘yung anak niyong yan”


Sinabihan na ni Sharon Cuneta ang ina ni Alex Gonzaga na si Mommy Pinty na iwanan na niya si Alex dahil sa mga prank nito sa kanyang Vlogs.



Sa video na ibinahagi ni Alex sa kanyang Instagram, sinabi rin ni Cuneta na handa niyang kunin sina Mommy Pinty at Daddy Bonoy dahil naaawa na siya sa mga kalokohan ni Alex.

Sharon:

Catherine, pwede mo itong i-post kung gusto mo. Pwede mo ring hindi. Pero itong message na ito ay para kay Mommy Pinty kasi pinapanood ko yung vlogs mo, Awang-awa na ako sa kanya. Matagal na akong walang mommy. Noong una iniisip ko ikaw ang ampunin ko Alex. Pero habang tumatagal, nung pinapanuod ko yung vlogs mo,


Mommy Pinty – pwede ko po kayong ampunin. Kayo na po ang tumayong nanay ko, Aalagaan ko po kayo. Napakabuti ko pong anak. Wala po kayong kunsumisyon sa akin. Hindi ko po kayo ipa-prank. Aalagaan ko po kayong parang reyna. Pwede niyo na ring pong isama si Daddy. Iwanan niyo na po ‘yung anak niyong ‘yan dahil naawa na po ako sa inyo. Nandito po ang bahay namin, bukas. May extra room po ako rito kung sawa na po kayo diyan sa anak niyo. Mommy Pinty I feel for you,

Narito ang nakakatuwang video ni Sharon:



Post a Comment

0 Comments