Nakatanggap ng matinding pambabash online si Megas Star sharon Cuneta dahil sa mga isyu tungkol sa kanyang asawa na si Kiko Pangilinan at kanyang anak na si Frankie.

Sa isang online interview ni Ogie Diaz kay Ormoc City Mayor Richard Gomez ay nagbigay siya ng advice kay Cuneta.

Yan ang problema kasi sa social media. Its a free media, everybody or anybody can just post anything. Mag post ng opinion nila, mag post sila ng galit nila, mag post sila ng inis nila. Siguro tayo na mga artista, we really have to accept the fact na ganun, merong may gusto sa atin merong ayaw.


So minsan masakit kasi minsan napupuno ka na. Kahit naman ako sumasagot ako sa mga ganyan eh pag binabash ako. Pero tao lang naman tayo na nasasaktan, Tao lang tayo na may damdamin siyempre, kung may titira sa atin na ganun kung minsan sumasagot talaga tayo.

Pero ako naman I try to control myself, alam mo naman ako minsan madali lang akong mapikon eh. So ginagawa ko, hanga’t kaya ko silang i-delete, ide-delete ko sila. Hanga’t kaya ko silang i-block, i-bloblock ko sila


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post