Advertisement

Nikki Valdez, tinawag na “trapo” ang mga congressman na pinagkakaisahan ang ABS-CBN sa House hearing para sa franchise nito




Di mapigilang magsalita ang beteranang aktress na si Nikki Valdez ukol sa mga congressman na pinagkakaisahan ang ABS-CBN sa House hearing para sa franchise nito.

Sa pamamagitan ng kanyang twitter inihayag ng aktress ang kanyang saloobin ukol sa nasabing pangyayari.

“Paisa lang today ah bilang may panaka nakang signal! Wag po tayo masyadong walang hiya, congressman! Naturingan ka pang lawyer ano? Yan lang masasabi mo? Baka ikaw ang palusot!

“Paboritong laro nitong mga to talaga ang moro moro!!!!!!! Hoooooo!!!!! Sabi ko paisa lang pero diko talaga mapigilan!
“I am an ABSCBN homegrown talent. Our company may not be perfect (which company is?) but just like any other employee, I need to fight for my home, my life. We deserve fair trial and due process!



“Grabe... Kayo kayo nalang talaga nagkakaintindihan sa galit niyo sa ABSCBN! Ayan po ang mga trapo sa gobyerno na binoto niyo! Panoorin niyo sila para makita ninyo ang resulta. Kakapagod kayo!

“Paano kaya nasisikmura ng mga congressman na ito ang ganito ano? Di po kayo Diyos. Ang pera nauubos. Ang posisyon sa gobyerno napapalitan. Ang kasinungalingan at kasamaan may katapusan. Lalabas at lalabas ang katotohanan!"


Post a Comment

0 Comments