Inilabas na lamang ng aktress na si Sharon Cuneta ang kanyang mga saloobin sa mga netizen na nambabash sa kanyang pamilya.

Ayon sa Megastar napakasakit umano isipin na binabash online  ang kanyang asawang si Kiko Pangilinan pati narin ang kanyang anak na si Frankie Pangilinan.

Matatandaan na nakatanggap ng pagbabanta si Frankie dahil sa pagsasalita tungkol sa mga sout ng kababa-ihan.


Narito ang buong post ni Sharon:
 I still cannot understand how many can hurt others like it is nothing to them, even when those they hurt couldn’t even THINK of hurting other people for no reason except to do so.

Where is my countrymen’s moral compass? Kay tatapang na nating magbitiw ng di lang masasakit kundi di malunok na mga salitang parang hindi tayo magkakababayan.

Masyado nang tinotolerate, kundi man ine-encourage - at karamihan ay binabayaran pa para manira ng kapwa. Sa showbiz kung saan lumaki ako, sanay kami sa intriga. At alam namin kung sino ang nang-iintriga sa amin. Sanay kaming humaharap sa isa’t-isa sa interviews at sa sagutan hanggang magkalinawan.


Ngayon, anumang bukambibig ko, ng sinoman sa mga anak kong may kanya-kanya namang isip, ay pipilipitin at ididikit sa anumang ginagawa o sinasabi ng kanilang ama sa pagiging politiko niya.

Damay kami kahit may iba’t-iba naman kaming issue. At ang baluktot, pilit itinutuwid. Ganyan na pala tayo kababa ngayon bilang mga Pinoy. Di lang pala chismis.

Nakakapagod na rin ang may kaibigan sa isang panig, habang ang sarili mong dugo at laman ay nabababoy at nasasaktan ng wala namang proteksyon mula sa kaibigan kahit mahal ka pa. Panahon na sigurong iuntog ang ulo ko sa pader.

Para pag nakikita ko ang sakit sa mga mata ng mga anak ko kapag may masasakit na naririnig at nababasa, hindi na ako kailangan bumalanse sa pagiging kaibigan at INA. Dahil natural lang naman na ang pagiging INA ANG MAS HAMAK NA MAHALAGA...

Napakasakit ng pinagdaraanan namin ngayon. Kaya nga ako nag-asawa kasi matinong tao si Kiko, at gusto ko tumahimik na ng paunti-unti ang buhay ko. Lalo lang palang gugulo. Mas naaappreciate ko ang Showbiz ngayon...pagmamahal at intriga lang ang haharapin mo; madaling ayusin ang intriga, libre at napakasarap ng minamahal ka ng walang panig panig tulad ng politika.

Bahala na ang Diyos sa amin. Siya naman ang may control sa lahat. Huwag natin bolahin ang ating sarili na tao ang may control sa lahat.

Bukas puede magunaw ang mundo kung nanaisin ng Diyos. Dapat ang kaluluwa mo ang sure na ihanda mo. Ganon lang po. God bless us all.
View this post on Instagram

I still cannot understand how many can hurt others like it is nothing to them, even when those they hurt couldn’t even THINK of hurting other people for no reason except to do so. Where is my countrymen’s moral compass? Kay tatapang na nating magbitiw ng di lang masasakit kundi di malunok na mga salitang parang hindi tayo magkakababayan. Masyado nang tinotolerate, kundi man ine-encourage - at karamihan ay binabayaran pa para manira ng kapwa. Sa showbiz kung saan lumaki ako, sanay kami sa intriga. At alam namin kung sino ang nang-iintriga sa amin. Sanay kaming humaharap sa isa’t-isa sa interviews at sa sagutan hanggang magkalinawan. Ngayon, anumang bukambibig ko, ng sinoman sa mga anak kong may kanya-kanya namang isip, ay pipilipitin at ididikit sa anumang ginagawa o sinasabi ng kanilang ama sa pagiging politiko niya. Damay kami kahit may iba’t-iba naman kaming issue. At ang baluktot, pilit itinutuwid. Ganyan na pala tayo kababa ngayon bilang mga Pinoy. Di lang pala chismis. Nakakapagod na rin ang may kaibigan sa isang panig, habang ang sarili mong dugo at laman ay nabababoy at nasasaktan ng wala namang proteksyon mula sa kaibigan kahit mahal ka pa. Panahon na sigurong iuntog ang ulo ko sa pader. Para pag nakikita ko ang sakit sa mga mata ng mga anak ko kapag may masasakit na naririnig at nababasa, hindi na ako kailangan bumalanse sa pagiging kaibigan at INA. Dahil natural lang naman na ang pagiging INA ANG MAS HAMAK NA MAHALAGA... Napakasakit ng pinagdaraanan namin ngayon. Kaya nga ako nag-asawa kasi matinong tao si Kiko, at gusto ko tumahimik na ng paunti-unti ang buhay ko. Lalo lang palang gugulo. Mas naaappreciate ko ang Showbiz ngayon...pagmamahal at intriga lang ang haharapin mo; madaling ayusin ang intriga, libre at napakasarap ng minamahal ka ng walang panig panig tulad ng politika. Bahala na ang Diyos sa amin. Siya naman ang may control sa lahat. Huwag natin bolahin ang ating sarili na tao ang may control sa lahat. Bukas puede magunaw ang mundo kung nanaisin ng Diyos. Dapat ang kaluluwa mo ang sure na ihanda mo. Ganon lang po. God bless us all.

A post shared by ActorSingerPresenter (@reallysharoncuneta) on



Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post